Genesis 1:1 Ang Dating Biblia 1905
Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.
Ang salitang "Dios" diumano na ginamit dito ay patotoo na ang ay Diyos binubuo ng tatlong persona - Ama, Anak at Espiritu Santo. Ito ay sa kadahilanang ang orihinal na salitang Hebreo na ginamit diumano ay nasa anyong pangmaramihan o plural sa Ingles. Para suhayan o patotohanan ito, ang ilan ay sumisipi pa man din sa mga kilalang lexicon o dictionary ng mga dalubhasa sa wikang Hebreo na ang ilan ay kababasahan ng ganito:
Elohim - plural of eloah; gods in the ordinary sense; but specifically used (in the plural thus, especially with the article) of the supreme God;
Ito daw ay patunay na may tatlong persona na bumubuo sa ka-Diyosan dahil nasa anyong pangmaramihan (plural) ang salitang isinaling Diyos (elohim). Totoo ba ang pag-aangking ito?
Buweno, ang hindi sinasabi ng mga tagapagtaguyod ng doktrina ng Trinidad ay ang katotohanan na binabanggit din ng mga lexicon o dictionary ng mga dalubhasa sa wikang Hebreo na ang salitang "elohim" ay maaari rin palang tumukoy sa mga sumusunod:
- occasionally applied by way of deference to magistrates; and sometimes as a superlative - angels, God;
Kapansin-pansin din na sa kanilang Hebrew Lexicon, ang kauna-unahang pagkakagamit nina Brown, Driver at Briggs ay kababasahan ng ganito may kinalaman sa salitang "elohim":
- rulers, judges, either as divine representatives at sacred places or as reflecting divine majesty and power, angels, gods;
Kaya naman sa ilang talata ng Bibliya ay isinasalin ito sa anyong pangmaramihan gaya ng makikita sa Genesis 35:2, Exodo 18:11 at marami pang iba. Subalit sa ilang pagkakataon ay isinasalin naman ito sa pang-isahan na wala man lang pahiwatig na ang tinutukoy ay higit sa isang persona. Ilang halimbawa nito ay ang mababasa sa mga talata sa ibaba:
Hukom 6:31 Ang Dating Biblia 1905
At sinabi ni Joas sa lahat na nakatayong laban sa kaniya, Ipagsasanggalang ba ninyo si Baal? o ililigtas ba ninyo siya? yaong magsasanggalang sa kaniya ay papatayin samantalang umaga pa; kung siya'y dios ay magsanggalang siya sa kaniyang sarili, sapagka't may nagwasak ng kaniyang dambana.
Exodo 7:1 Ang Dating Biblia 1905
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Tingnan mo, ginawa kitang dios kay Faraon: at si Aaron na iyong kapatid ay magiging iyong propeta.
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Tingnan mo, ginawa kitang dios kay Faraon: at si Aaron na iyong kapatid ay magiging iyong propeta.
Mula rito ay makikita natin na wala ni katiting na pahiwatig man lang na ang tinutukoy ng mga talata ay nagtataglay ng mahigit sa iisang persona. Kung gayon, hindi dapat ipagpalagay ng isa na ang pagkakagamit ng "elohim" sa Genesis 1:1 ay nagpapahiwatig ng multi-personal o may higit sa iisang persona dahil lamang sa ang salitang ginamit ay lumilitaw sa pangmaramihang bilang o anyo.
Subalit, maitatanong ng mga tapat-pusong naghahanap ng katotohanan, ano nga ba ang layunin ng paggamit sa salitang Hebreo na nasa pangmaramihang anyo kapag ikinakapit sa mga karakter sa Bibliya? Wala ng iba pang mas hihigit sa taglay na awtoridad ni Gesenius pagdating sa wikang Hebreo. Siya'y sumulat na ang pangmaramihang anyo ng salitang "elohim" ay ginagamit upang patindihin ang orihinal na ideya ng salita.
Idinagdag pa niya may kinalaman sa salitang "elohim" na "Ang wika na ganap na itinatakwil ang ideya ng pangmaramihang bilang ng "elohim" (sa tuwing tinutukoy nito ang iisang Diyos), ay sadyang pinatutunayan ng halos walang mintis na pag-uugnay nito sa iisang katangian." (Gesenius' Hebrew Grammar (Clarendon Press, Oxford, 1910), p. 398-399.
Maliwanag ang ipinapakita ng ebidensiya, ang Diyos ay hindi binubuo ng mahigit sa iisang persona.
No comments:
Post a Comment